Thursday, June 19, 2008

The Happening

Napanood ko na ang latest movie ni M. Night. Ang "The Happening". Para sa akin, tinalo ng pelikulang ito ang Sixth Sense, Unbreakable, The Sign, at The Village. Dahil kung paano binuo ng apat na pelikulang ito ang respeto ko kay M. Night, naglaho lahat yun ng napanood ko ang The Happening. Tungkol ito sa mga halaman at puno na nagrerelease ng toxin at kung sinong tao ang makalanghap nito ay magpapakamatay. Siguro nagleak mula sa screen ang toxin na ito dahil pagkatapos ng pelikula ay gusto ko na rin magpakamatay... sa sobrang asar.

--Roger

Wednesday, June 18, 2008

gamma ka na ba?

ang galing nung hulk movie. mas maaksyon kaysa sa iron man. pero medyo mas cheesy siya.excited na ko sa iron man 2. magcacameo daw dun si thor! magkakakaroon din daw siya ng epic movie. siyempre, norse god yun eh dapat mala 300 or lotr dapat yun. tas sa 2010 or 2011 may captain america na at avengers movie! panalo. sana magkaroon din ng civil war movie.

Monday, May 26, 2008

UNGAS!

Wala akong magawa kahapon. So bumili ako ng dvd. Etong ungas na supplier ko, ibang pelikula yung ibinigay sa akin. Tama yung cover pero iba yung laman na napanood ko. Gusto ko lang linawin na malaki ang pinagkaiba ng pelikulang Juno sa Ju-on. Yung isa ay oscar nominated film at yung isa naman ay isang pelikula na tungkol sa batang naparami ang pulbos sa mukha.

- roger

Thursday, May 22, 2008

NO TO FIRE DRILL!

Kanina may fire drill kami. Hindi ako sumali. Bakit? Dahil naniniwala akong wala dapat fire drill. Kapag kasi may fire drill, nasasanay ang mga tao at nalalaman nila ang dapat nilang gawin kapag may sunog. Kaya kapag may sunog, hindi na sila nagpapanic. E yun ang importanteng bagay sa isang sakuna. Ang pagpapanic. Dahil kapag nagpapanic ang isang tao, nagkakaroon siya ng adrenaline rush. Nagagawa nila ang mga bagay na hindi nila kayang gawin kapag normal sila. Kaya ang mga taong nagpapanic, kayang buhatin ang isang malaking tv or aircon nang mag-isa siya. Mas mabilis ang takbo niya. Mas mataas ang talon. Yung iba, kapag nagkakasunog, nakakatalon mula 2nd floor nang hindi natatakot o nasasaktan. Yun ang nadudulot ng panic. Superhuman strength. Ang kailangan lang ay kontrolin mo ang panic mo. Kailangang klaro ang isip mo habang nagpapanic... at lahat ng bagay ay magagawa mo.

- roger

Wednesday, May 21, 2008

Roger's Quote Of The Day

Ang sumisipol na ilong, may kulangot sa loob.

-roger

Sunday, May 18, 2008

GAMING TALK NAMAN

Dahil malinaw na na di ako bading, kwento lang ako tungkol sa gaming habits ko...

Meron akong family computer, snes, dreamcast, ps1, ps2, xbox, nds lite, wii, at pc gaming rig. wala pa kong ps3 kasi di ako bibili nun hanggat wala pang pirated para dun. Galante ako sa pagbili ng console pero kuripot pagdating sa software. yung xbox ko na-ban na ng microsoft sa xbox live, Nadetect mod chip ko. sabi nung gumawa pwede daw i-off pero nadetect pa rin, yun wala na yung mga new online friends na na-meet ko dahil sa xbox live.

Ano moral lesson sa post na to...parang wala ata.

--roger

HINDI AKO BADING!

Hindi ako bading! Gusto kong linawin na hindi ako bading! Isang taong walang magawa sa buhay ang nakaalam ng username at password ko. Don't panic. Dahil pinalitan ko na ang password ko at imposible na niyang mahulaan yun!

-roger