Wala akong magawa kahapon. So bumili ako ng dvd. Etong ungas na supplier ko, ibang pelikula yung ibinigay sa akin. Tama yung cover pero iba yung laman na napanood ko. Gusto ko lang linawin na malaki ang pinagkaiba ng pelikulang Juno sa Ju-on. Yung isa ay oscar nominated film at yung isa naman ay isang pelikula na tungkol sa batang naparami ang pulbos sa mukha.
- roger
Monday, May 26, 2008
Thursday, May 22, 2008
NO TO FIRE DRILL!
Kanina may fire drill kami. Hindi ako sumali. Bakit? Dahil naniniwala akong wala dapat fire drill. Kapag kasi may fire drill, nasasanay ang mga tao at nalalaman nila ang dapat nilang gawin kapag may sunog. Kaya kapag may sunog, hindi na sila nagpapanic. E yun ang importanteng bagay sa isang sakuna. Ang pagpapanic. Dahil kapag nagpapanic ang isang tao, nagkakaroon siya ng adrenaline rush. Nagagawa nila ang mga bagay na hindi nila kayang gawin kapag normal sila. Kaya ang mga taong nagpapanic, kayang buhatin ang isang malaking tv or aircon nang mag-isa siya. Mas mabilis ang takbo niya. Mas mataas ang talon. Yung iba, kapag nagkakasunog, nakakatalon mula 2nd floor nang hindi natatakot o nasasaktan. Yun ang nadudulot ng panic. Superhuman strength. Ang kailangan lang ay kontrolin mo ang panic mo. Kailangang klaro ang isip mo habang nagpapanic... at lahat ng bagay ay magagawa mo.
- roger
- roger
Wednesday, May 21, 2008
Sunday, May 18, 2008
GAMING TALK NAMAN
Dahil malinaw na na di ako bading, kwento lang ako tungkol sa gaming habits ko...
Meron akong family computer, snes, dreamcast, ps1, ps2, xbox, nds lite, wii, at pc gaming rig. wala pa kong ps3 kasi di ako bibili nun hanggat wala pang pirated para dun. Galante ako sa pagbili ng console pero kuripot pagdating sa software. yung xbox ko na-ban na ng microsoft sa xbox live, Nadetect mod chip ko. sabi nung gumawa pwede daw i-off pero nadetect pa rin, yun wala na yung mga new online friends na na-meet ko dahil sa xbox live.
Ano moral lesson sa post na to...parang wala ata.
--roger
Meron akong family computer, snes, dreamcast, ps1, ps2, xbox, nds lite, wii, at pc gaming rig. wala pa kong ps3 kasi di ako bibili nun hanggat wala pang pirated para dun. Galante ako sa pagbili ng console pero kuripot pagdating sa software. yung xbox ko na-ban na ng microsoft sa xbox live, Nadetect mod chip ko. sabi nung gumawa pwede daw i-off pero nadetect pa rin, yun wala na yung mga new online friends na na-meet ko dahil sa xbox live.
Ano moral lesson sa post na to...parang wala ata.
--roger
HINDI AKO BADING!
Hindi ako bading! Gusto kong linawin na hindi ako bading! Isang taong walang magawa sa buhay ang nakaalam ng username at password ko. Don't panic. Dahil pinalitan ko na ang password ko at imposible na niyang mahulaan yun!
-roger
-roger
Thursday, May 15, 2008
NAKAWAN
Namputsa! Nawawala ang cellphone at videocam ko! Nagkakaroon kasi ng nakawan dito sa opisina. Kaya para mahuli ko yung magnanakaw, naisipan kong maglagay ng hidden camera. Iniwan ko yung cellphone ko sa table ko para ipain sa magnanakaw. Tapos ipinuwesto ko yung videocam sa tagong lugar. Ayun parehong nawala.
- roger
- roger
REMAKE
Uso ngayon ang remake. Remake ng Dyesebel, remake ng Joaquin Bordado, tapos may remake na bago, yung Eva Fonda. Okay lang naman ang remake basta iaadjust yung story sa modern na panahon. Gaya nung Mara Clara. Kung ireremake yun, dapat imbes na sa diary isinulat yung lihim ni Mara at Clara, dapat sa Blog. Malalaman nila ang sikreto ng dalawang bata nang mabasa nila yung Blog ni Gardo.
- roger
- roger
Wednesday, May 14, 2008
Lindol
yan, may nagkalat bigla ng may lindol daw kanina dapat ng 8pm. alam ko na agad na hoax lang yun. dami lang nagsayang ng load, hmm...load...
balik tayo sa graffiti, pinaka di ko malimutan na nabasa ko sa cr eto:
some people come here to write on the walls...
but i come here to scratch my balls...
:-p
-roger
balik tayo sa graffiti, pinaka di ko malimutan na nabasa ko sa cr eto:
some people come here to write on the walls...
but i come here to scratch my balls...
:-p
-roger
GRAFFITI
May nakasulat na namang graffiti sa pader sa CR! Diyan ako galit na galit... Sa mga nagsusulat ng graffiti. Sa bus... Sa pader... sa pinto ng CR! Ginagamit yung pagsusulat nila ng graffiti para mailabas yung galit nila sa mundo at yung mga reklamo nila. Puro reklamo! Sulat dito, sulat doon! Hindi kumilos! Akala mo naman may nakakabasa nung sinusulat nila. Akala mo naman may mangyayari kung sakaling naisulat nila yung mga reklamo nila. Kumilos kayo! Huwag puro sulat!
Siyanga pala... sa mga hindi nakakaalam. Ang singular form ng graffiti ay graffito. Kaya yung nakita ko sa cr, graffito lang.
-roger
Siyanga pala... sa mga hindi nakakaalam. Ang singular form ng graffiti ay graffito. Kaya yung nakita ko sa cr, graffito lang.
-roger
Tuesday, May 13, 2008
HASSLEHOFF!
langyang ulan yan. di ako nakapagdala ng payong kanina. nabasa yung bago kong polo. tapos meron pang gagong fx na humarurot sa harap ko. natalsikan tuloy ako ng putik sa pantalon. ano na lang ang sasabihin ni boss?! hassle!
-roger
-roger
Monday, May 12, 2008
MONDAY BLUES
pucha. boring dito sa opisina. wala pang mga tao. natapos ko na yung lahat ng paperworks ko. inaabangan ko pa si boss rudy, manlilibre daw siya ng lunch mamaya. hehe.
-roger
-roger
Friday, May 9, 2008
this is my first ever involvment in producing a tv show.
of course before the pilot taping we had to have auditions and casting.
we finally ended up with a good ensemble;
Toni Gonzaga
Rico J. Puno
Pokwang
Will Devaughn
Ping Medina
Tado
Tim Tayag
Wincy Ong
A.A. (of Rexona commercial fame)
Jaqueline and Sheila from 26K
Tiny
Penn Medina
Nikki (Goin' Bulilit)
-- Petiks Creative Team
of course before the pilot taping we had to have auditions and casting.
we finally ended up with a good ensemble;
Toni Gonzaga
Rico J. Puno
Pokwang
Will Devaughn
Ping Medina
Tado
Tim Tayag
Wincy Ong
A.A. (of Rexona commercial fame)
Jaqueline and Sheila from 26K
Tiny
Penn Medina
Nikki (Goin' Bulilit)
-- Petiks Creative Team
Pilot Taping Day
we pitched this to the bosses months ago, finally we were given the greenlight to do a pilot last may 3.
-- Petiks Creative Team
-- Petiks Creative Team
Subscribe to:
Posts (Atom)