Wednesday, May 14, 2008

GRAFFITI

May nakasulat na namang graffiti sa pader sa CR! Diyan ako galit na galit... Sa mga nagsusulat ng graffiti. Sa bus... Sa pader... sa pinto ng CR! Ginagamit yung pagsusulat nila ng graffiti para mailabas yung galit nila sa mundo at yung mga reklamo nila. Puro reklamo! Sulat dito, sulat doon! Hindi kumilos! Akala mo naman may nakakabasa nung sinusulat nila. Akala mo naman may mangyayari kung sakaling naisulat nila yung mga reklamo nila. Kumilos kayo! Huwag puro sulat!

Siyanga pala... sa mga hindi nakakaalam. Ang singular form ng graffiti ay graffito. Kaya yung nakita ko sa cr, graffito lang.

-roger

No comments: